Wednesday, October 6, 2010

Bob Ong Best Quotes | Humor, Learning, Love, Life Quotations of Bob Ong

I have read some of the books of Bob Ong and I was amazed on how he really organize his ideas. Is he genius in formulating quotations about Life, Learning and Love? Bob Ong or Roberto Ong in his real name will be remembered by his funny quotations and stories typically written in the native Tagalog language format. He wrote several books in which I am sure you read some of his published books. ABNKKBSNPLAAko? is his pioneer book, he incorporates his childhood stories which are written in a relating humorous format. Among the Best quotes that touches my heart are written below.

Learning Quotations by Bob Ong


“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”

"...mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo."


Life Experiences Quotations by Bob Ong


"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."


"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."


mangarap ka at abutin mo ‘to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.


hindi lahat ng di kaya mong intindihin ay kasinungalingan at ang mga bagay na kaya mong intindihin ay katotohanan


"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

Love Quotations by Bob Ong


"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."


"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya."


"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."


"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."


"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."
"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

” Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: Magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo! “

Humorous Quotations by Bob Ong

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"


"Iba ang informal gramar sa mali !!!"


“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo.”


Read Full Story here: wallyibong.blogspot.com

No comments:

Post a Comment